Sa dinami-dami ng mga narinig kong kwento galing sa mga kaibigan kong "in a relationship", nasaktan, nakasakit, naghahanap, at nangangarap ng "true love", masasabi kong may kanya-kanya talaga tayo ng pagtingin sa pakikipagrelasyon---May mga taong hinahanap muna ung spark at sabog puso moment bago nila masabing gusto nga talaga nilang makasama ang tao na 'yon. Eto madalas yung kahit gaano kaganda o kaguwapo ang iharap mo sa kanya, kung walang "magic", hindi pa rin siya go. May iba namang kahit wala pa sa sabog puso stage, pero like naman nila ang isa't isa, pwede na kumbaga, commit na, just to try. If magwork, OK. If hindi, sorry na lang. At yung iba naman, may listahan ng requirements, qualifications, conditions, whatever you call it. Parang sa bidding lang. Kung sino man ang maka-meet ng mga iyon, yun ang karapat-dapat para sa kanya.
Pero kahit ano pa man ang pag-approach mo, ang mahalaga, desisyon mo iyon at hindi ng ibang taong akala mo sila ang taga-drawing ng buhay mo. Paninindigan mo ang desisyon na 'yon maging maganda o pangit man ang ending. Sa bawat relasyon namang pinapasok natin, natututo tayo at nakikita what it takes to experience true happiness with that someone special.
Masaya akong nahanap ko na ang true love ko. At alam ko, the best is yet to come for my friends who are still looking for "the one". Lagi ko lang sinasabi sa kanila, go lang ng go. Masaya magmahal. Madalas ka ring masasaktan. Di ko sila pipigilang balik-balikan yung taong kinakitaan nila ng spark. Di ko rin naman sila sasabihang huwag masyadong try ng try o di kaya maging pihikan. But they should understand that it's not only them who needs to be loved, they should learn to give a part of themselves to that other person too.
Ayun lang naman. Just for a thought. :)
No comments:
Post a Comment